Alam nyo ba ang mga mythical creatures ng mga Pilipino? Alam nyo ba kung anu-ano ang mga ito? Kung di nyo alam ay subukan nyong manood ng KMJS o Kapuso Mo Jessica Soho para may mga impormasyon kayo sa mga uri ng mga DI UMANO mga mythical creatures na ito.
Ngayon ang tanong ay isa ba kayo sa mga naiinis na sa mga pinagsasabi ni Jessica Soho na "DI UMANO" tungkol sa mga kababalaghan di umano na kanyang nire-report o binabalita. Ako kasi isa ako sa mga taong yun na natatawa nalang kapag nakakita na naman ng bagong palabas ni Jessica Soho tungkol sa mga di umano'y mga uri ng kababalaghan.
WATCH THE VIDEO HERE:
Kaya ako natatawa kasi para kasi nakakailang na pakinggan itong mga ganito sa ngayon kasi nga ang layo na ng inabot ng panahon natin pero mga kwento ni Jessica Soho nanatili pa rin sa mga nakaraan, mga nakaraan pang walang katotohanan at pawang sabi-sabi lamang o mga myth nga.
Alam nating lahat na ang paggawa ng mga kwento-kwento lalo na't ganitong klase ng mga kwento mga kababalaghan ay patok na patok sa masa noon. Ngayon ay patok pa rin naman pero yun nga pinagtatawanan nalang ng mga manonood.
Kayo natatakot pa ba kayo o tinitindigan pa ba kayo ng balahibo sa mga ganitong bagay sa panahon ngayon? Sabihin na natin natatakot pa rin tayo pero dahil yan sa naitanim na sa ating isipan ito ng ating mga Nanay at Tatay, Lolo at Lola kaya di na natin ito maiaalis pa talaga. Mananatili na ito sa ating isipan magpakailanman pero alam nating lahat na ito ay walang katotohanan at panakot lamang.
No comments:
Post a Comment