Karen Davila, binastos diumano si Senator Manny Pacquiao dahil sa college degree: "Pabor ka ba na ang Senador ay dapat may college degree.. Kung ganon baka hindi ka na mag-qualify."
ABS-CBN News anchor Karen Davila ay umani ng batikos ngayon sa mga netizens sa social media, matapos ang kanyang interview sa isang episode ng ANC show Headstart.
Sa interview, ay guest niya si Senator-boxing star Manny Pacquiao at tinanong tungkol sa opinyon ng Senador na kung pabor ba siya na ang bawat Presidente o Senador ng Pilipinas na tumatakbo ay kailangan may college degree.
Sumagot si Pacquiao kay Davila, na pabor siya nag magkaroon ng college degree ang bawat Senador at Presidente, ngunit sinundan ito ng tanong ni Davila, na kung pabor siya baka daw hindi mag-qualify si Senador Manny Pacquiao.
Si Senador Manny Pacquiao ay isang highschool drop out ngunit nakapasa ng highschool noong 2007 dahil sa 'high school equivalency exam'. Nag-enroll siya ng 'business program' sa NotreDame of Dadiangas University sa General Santos City ngunit hindi nakakuha ng 'college degree'.
Ayon sa Konstitusyong ng Pilipinas, hindi naman kinakailangan ang pagkakaroon ng 'college degree' ang pagiging Presidente at Senador ng bansa, basta marunong magsulat at magbasa.
Sa pagpapatuloy ng interview ni Pacquiao at ni Davila, mukhang tila na-offend si Pacquiao sa reaksyon at pagtatanong ni Davila ngunit sinabi niya na nag-aaral siya ngayon at ang importante ay nasosolusyunan mo ang problema ng bansa.
“The most important thing is you know the situation of the country’s problems.”
Muling tinanong ni Davila si Pacquiao ng may pagpipilit kung saan eskwelahan nag-aaral si Senador Pacquiao para makakuha ng college degree, ang sabi na lamang ni Pacquiao ay ibubulong niya ito sa kanya pagkatapos ng programa.
Samantala, matapos na mag-trending sa social media ang interview na ito ni Davila kay Pacquiao ay agad umani ito ng pambabatikos sa news anchor/journalist.
No comments:
Post a Comment