VISIT MY OTHER PAGES:

TRILLANES PINAKAMAGASTOS NA SENADOR




Nangunguna si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at Senador Antonio Trillanes IV sa may pinakamalaking gastos o “top spenders” sa Senado.

Batay sa report ng Commission on Audit (COA), gumastos noong 2017 si Pimentel ng mahigit P127.8 million noong siya pa ang nakaupong Senate President.

Sa itemized list na pirmado ni supervising auditor Olympia Balugay, pinakamalaki umano ay inilaan sa sahod at mga benepisyo ng staff ng senador na nagkakahalaga ng P49.2 million.


Sinundan siya ni Trillanes na may kabuuang gastos ng P87 million kung saan P15.7 million ay napunta para sa consultancy fees habang P39.8 million ang napunta sa suweldo at benepisyo ng kanyang mga empleyado.
Idinepensa naman ni Trillanes ang pagiging “second top spender” na senador na aniya sinagad lang ng kaniyang opisina ang paggamit nito.

“Every senator has the same budget allocation. My office merely utilized those allocations instead of realigning them for other purposes. Just to be clear, the COA report didn’t cite any irregularity on my expenditure,” ayon kay Trillanes

No comments:

Post a Comment