VISIT MY OTHER PAGES:

THANKFUL SA HONEST LAZADA SELLER | VLOG #32



Welcome na naman po sa aming VLOG!

Dito na naman ang pamilyang MEMA! :D

Ngayon po ay meron kaming maikling vlog lamang na gagawin bilang pasasalamat sa Lazada seller na kung saan ay pinagbilhan namin ng aming Softbox Studio Lights noon.

Nais naming magpasalamat kasi di sya tulad ng ibang seller na pagkatapos mo makuha at mabayaran ang item na inorder mo ay i-ignore ka nalang na kung halimbawa may kulang pala sa item na pinadala ay di ka na nila papansinin pa.

Di tulad ng na-orderan namin ng aming softbox na kung saan noong time na pag-order namin ay wala sa loob ng box ang nasabing "free bag" na sinasabi sa kanilang item description sa site ng Lazada. At dahil nag-ask kami bakit wala ang bag ay doon namin nalaman ang rason bakit di nasali sa pagpadala kasi ubos na pala stocks ng bag.

Now, inakala namin ay baka tapos na yun o wala na kaming magagawa pero mali kami dahil pinadalhan pala kami ng nasabing free bag matapos ang ilang araw. Ayos di ba?

Meron kasing ibang seller na babalewalain ka nalang kahit na pwede ka naman pala nilang padalhan ng item na kulang sa order mo, pero dahil sa paid at na sa iyo na ang item eh parang done deal na di ka na papadalhan ng kulang mo i mean.

Kaya laking pasasalamat namin at pinadalhan pa rin kami sa aming "free bag" para sa aming Softbox. Di pabaya ang seller dahil nilaanan pa rin nya talaga kami ng oras at panahon para mapadalhan ng free bag. Kaya maraming salamat sa seller!

FlorMaks Vlog #32: THANKFUL SA HONEST LAZADA SELLER



IF YOU LIKE OUR VIDEOS, YOU CAN SUBSCRIBE TO GET OUR LATEST UPDATES

Thank You for Watching!

VISIT OUR OTHER SITES:

Facebook Page: https://www.facebook.com/flormakvlog/

Twitter Page: https://twitter.com/FlormaksVlog

Blogger: http://flormakvlog.blogspot.com/

Google+: https://plus.google.com/u/0/108708259840776591141

#FlorMaks #FlorMaksVlog #Trending

No comments:

Post a Comment